PNP AT LOKAL NA PAMAHALAAN NG DAGUPAN CITY, SERYOSO SA PAGPAPATUPAD NG ANTI-DRUNK & DRUG DRIVING ACT SA LUNGSOD

Nakainom o nasa impluwensya ng droga, bawal mag-drive! Yan ang mariin na iginigiit ng PNP at ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City dahil sa madalas na pagkakasunod sunod ng vehicular accidents sa lungsod.
Kadalasan pang nasasangkot sa mga ganitong aksidente ay mga menor de edad o mga kabataan.
Seryoso ang PNP sa pangunguna ni PLtCol Vicente Castor Jr., CDRRMC Chief Ronald de Guzman at POSO Chief Arvin Decano sa pagpapatupad ng Anti-Drunk & Drug Driving Act sa lungsod.

Ayon kay PLTCOL Vicente Castor Jr, sa existing law Republic Act 10586 section 5 nakasaad roon ang pagpaparusa sa mga taong nagmamaneho sa Ilalim ng Impluwensya ng alak, at mapanganib na droga.
Dagdag pa niya, kaya lalo pa nilang pinaigting ang ganitong pagpapatupad dahil na rin sa kamakailang naganap na aksidente kung saan ang mga sangkot sa vehicular accident ay mga menor de edad o kabataan na siyang ikinamatay ng isang labing pitong taong gulang na pasahero.
Giit na paalala ng lokal na pamahalaan na mabuti na ang sigurado nang sa gayon ay maiwasan ang potensiyal na aksidente sa kalsada. |ifmnews
Facebook Comments