PNP at mga Barangay Official, inatasan ng DILG na hulihin at ikulong ang mga naninira sa tren ng PNR

2568

Inatasan ni Interior Secretary Eduardo Año ang Philippine National Police (PNP) at barangay officials na arestuhin ang sinumang maninira sa mga bagong tren ng Philippine National Railways (PNR).

Ayon sa kalihim, nakakaalarma na at tila nagiging pangkaraniwang insidente na lang ang ginagawang pamamato sa mga tren.

Kaugnay nito, inatasan ni Año ang mga pulis na nakatalaga malapit sa mga riles ng PNR na magbantay nang mabuti.


Hinikayat din nito ang mga opisyal ng barangay na pangunahan ang pagprotekta sa mga tren lalo at sila ang mas malapit sa komunidad.

Hinimok din niya ang mga residente na isumbong ang mga naninira sa mga tren.

Facebook Comments