PNP at NBI, pagpapaliwanagin sa laganap pa rin na iligal na online sabong

Pagpapaliwanagin sa susunod na pagdinig ng Senate Committee on Games and Amusement ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) patungkol sa patuloy na operasyon ng iligal na e-sabong.

Makalipas kasi ang tatlong taon mula nang i-ban ito noong 2022 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ay patuloy na namamayagpag ang iligal na e-sabong at sa kabila ng paghingi ng tulong ng PAGCOR sa PNP at NBI ay wala namang nangyari.

Malaki ang pagdududa ni Sen. Erwin na walang alam ang mga awtoridad sa kinaroroonan ng mga sabungang ito na pinupustahan pa rin sa online.

Binigyan pa ng tip ng mambabatas ang mga law enforcement na ang operasyon ng mga online sabong ay matatagpuan sa Central Luzon, at Region 4-A kung saan ang may-ari ay taga-Cordillera.

Ipapatawag ni Sen. Erwin ang PNP Provincial Directors ng Batangas at Pampanga pati na ang mga Regional Directors ng Region 3 at 4-A kasama na ang director ng Cordillera PNP para magpaliwanag sa problemang ito.

Facebook Comments