PNP at Office of the Court Administrator, nagkasundong pabilisin ang firearms application ng mga hukom

Nagkasundo ang Philippine National Police (PNP) at Office of the Court Administrator na pabilisin ang firearms applications ng mga hukom.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, nilagdaan nila ang memorandum of agreement (MOA) sa ginanap na National Summit of Judges sa Tagaytay City.

Kabilang sa napagkasunduan ang paglalagay ng mga caravan malapit sa tanggapan ng mga hukom para hindi na sila pumunta sa Camp Crame para sa proseso ng lisensya ng baril at permit to carry firearm outside of residence.


Ang MOA ay nilagdaan ilang araw matapos tambangan si Ozamiz City Regional Trial Court Executive Judge Edmundo Pintac na papauwi na sa kanilang bahay.

Facebook Comments