PNP at PDEA, bubuo ng guidelines para maiwasan ang misencounter

Bumubuo na ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng law enforcement operation rules para maiwasan ang misencounter.

Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, maglalabas sila ni PDEA Chief Wilkins Villanueva ng unifed operational guidelines na layong maresolba ang anumang problema sa coordination sa pagitan ng dalawang tanggapan.

Sa ngayon, nagkasundo aniya ang PNP at PDEA na iwasan ang “collision” lalo na sa kung sa loob ng hurisdiksyon ng isang police station.


Inihalintulad ni Eleazar ang collision sa isang vehicular accident na maiiwasan kung walang dalawang sasakyan ang nag-ookupa sa magkaparehas na pwesto sa kaparehas na oras.

Facebook Comments