Pinabulaanan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na may samaan ng loob sa pagitan ng 2 ahensiya.
Ito’y dahil sa pagbubunyag ng PDEA na mayroon pa ring mga ninja cops sa hanay ng pulisya.
Ayon kay PNP Chief, Police Gen. Oscar Albayalde, handa siyang humarap sa gaganaping pagdinig ng Senado ngayong araw para sagutin ang mga tanong tungkol sa isyu.
Sasagutin din niya ang mga alegasyong nasangkot siya sa drug recycling noong Provincial Director siya ng Central Luzon noong 2014.
Nilinaw naman ni PDEA Director General Aaron Aquino, okay sila ni Albayalde at wala siyang intensyong siraan ang PNP.
Kinuwestyon din ni Aquino ang biglang pagkakatanggal ng kaniyang mga security escort.
Paglilinaw naman ni Albayalde, ni-recall ang Security ni Aquino dahil kailangan ng karagdagang tauhan para magbantay sa nalalapit na Souteast Asian Games.
Ipinag-utos na ng PNP Chief na imbestigahan ang Security Deployment kay Aquino.
Iginiit naman ng PDEA na sumulat na ang Malacañan sa Police Security and Protection Group (PSPG) para pagbigyan siya sa kanyang request.