PNP at SC, isinasapinal ang protocol sa paggamit ng body cameras

Isinasapinal na lamang ng Philippine National Police (PNP) ang protocol sa paggamit ng body cameras sa police operations na layong maiwasan ang anumang legal technicalities lalo na sa pag-uusig ng mga kriminal.

Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, kokonsulta sila sa iba pang government agencies at sa Korte Suprema para sa pagbuo ng protocols na kailangang sundin ng mga pulis sa paggamit ng body cameras.

Kabilang sa titingnan ay ang aspeto ng paggamit ng video footage bilang ebidensya laban sa mga kriminal.


Paglilinaw ni Eleazar na hindi lahat ng police stations ay mabibigyan ng body cameras dahil hindi ito sapat para bigyan ang lahat ng kanilang units.

Idi-distribute lamang aniya ang body cameras sa city police stations.

Gayumpaman, sinabi ni Eleazar na magkakaroon pa naman ng mga susunod na procurement para mabigyan ng body cameras ang lahat ng police stations at units sa buong bansa.

Facebook Comments