PNP at Supreme Court, magsasagawa ng online training para sa e-Warrant System

Magsasagawa sa mga susunod na araw ng online training ang Philippine National Police (PNP) at Supreme Court sa mga police station at mga regional court.

Ito ay matapos ilunsad kahapon ang e-Warrant System.

Layon ng e-Warrant System ay mas mapabilis at mas maging epektibo ang mga serbisyo ng law enforcers at maging modern ang pamamaraan ng automated service gayundin ang pagsisilbi ng warrants of arrest na inisyu ng korte.


Kapag naging fully operational, inaasahan na aabot sa 2,600 trial courts at 1,900 PNP stations sa buong bansa ang makikinabang sa e-warrant bago matapos ang taon.

Kahapon, magkatuwang na pinangunahan nina PNP Chief Police General Camilo Cascolan at Chief Justice Diosdado Peralta ang launching nito sa En Banc Session Hall, Supreme Court sa Maynila.

Napapanahon ito dahil kailangan ng paperless transmission ng warrants of arrest dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments