PNP: Bagong Pilipinas Kick-off Rally, generally peaceful

Naging mapayapa sa pangkalahatan ang isinagawang Bagong Pilipinas campaign kahapon, January 28, 2024.

Ayon kay Philippine National Police Public Information Office (PNP-PIO) Chief PCol. Jean Fajardo, generally peaceful ang aktibidad kung saan wala silang naitalang untoward incident.

Aniya, may ilang indibidwal lamang ang binigyan ng atensyong medikal dahil sa pagkahilo.


Kabuuang 3,587 na PNP personnel ang ipinakalat kahapon sa Quirino Grandstand kung saan umabot sa 400,000 ang crowd estimate.

Pinangunahan ang aktibidad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at present din ang ilang matataas ng opisyal na pamahalaan.

Facebook Comments