PNP, bibili ng 300 sets ng protective gear para sa isang team ng pulis na tututok sa mga pulis na posibleng magpositibo sa COVID-19

Inaprubahan na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa ang pagbili ng 300 sets ng protective gear para sa isang team ng mga pulis sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na tututok sakaling may pulis na magpositibo sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Ayon kay Gamboa, sa ngayon ang concetration nila ay sa NCR dahil dito may mga pulis na nai-report na may sintomas ng COVID-19.

Sa kasalukuyan, naghahanap na, aniya, ang NCRPO na makukunan ng 300 sets ng protective gear para maipagamit na sa inihandang team.


Samantala, sinabi naman ni Gamboa, na dapat bawat PNP units nationwide ay mayroong sariling quarantine areas.

Pero maari naman daw mag home quarantine.

Sa Camp Crame, aniya, ang Kiangan Building ang maaring gamiting quarantine area dahil para, aniya, itong hotel.

Facebook Comments