Hindi magdadalawang isip ang Philippine National Police (PNP) na arestuhin ang mga bayolenteng raliyista sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa Lunes, Hulyo a-25.
Ito ay kung sila ay magpapasaway at manggugulo sa State of the Nation (SONA).
Sa press conference sa Kampo Krame, iginiit ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo na tanging sa mga designated freedom parks lamag pahihintulutan ang mga raliyista na magwelga.
Una nang idineklara ng PNP na no-rally zone ang kahabaan ng Commonwealth Avenue.
Ayon kay Col. Fajardo, hindi nila papahintulutang makalapit ng Batasang Pambansa ang iba’t ibang militanteng grupo kung kaya’t nagpapatuloy ang kanilang dayalogo sa mga lider nito.
Matatatandaang nagbigay na ng mandato si PNP OIC Police LTGen. Vincente Danao Jr., sa mga pulis na idedeploy sa SONA na ipatupad ang maximum tolerance sa mga raliyista.