Manila, Philippines – Binalaan ni Public Attorney’s Office Chief Atty. Percida Acosta ang PNP sa plano nitong paghukay sa labi ni Reynaldo De Guzman.
Ayon kay Acosta, posibleng maharap sa kasong administratibo ang PNP kapag itinuloy nito ang paghuhukay sa labi ni Reynaldo.
Sinabi ni Acosta na dapat irespeto ng PNP ang direktiba ng Pangulong Duterte na ang NBI na ang dapat humawak sa nasabing imbestigasyon.
Samantala, nilinaw ni Acosta na posibleng maalis ang pangalan ng taxi driver na si Tomas Bagcal sa mga kinasuhan kaugnay ng pagkamatay nina Carl Arnaiz at Reynaldo de Guzman.
Ito ay oras aniyang magpasya si Bagcal na dumulog sa kanila at mangakong magsasabi ito ng pawang katotohanan hinggil sa pagkamatay nina Arnaiz at de Guzman.
Kanina ay kinasuhan na ng PAO sa Department of Justice ng two counts ng murder, Planting of evidence at paglabag sa anti-torture law sina Bagcal, PO1 Jeffrey Perez, PO1 Ricky Arquilita at John Does.