Nabawasan ang bilang ng mga lugar sa bansa na inirekomenda ng Philippine National Police (PNP) sa Commission on Elections (Comelec) na mapapasailalim sa areas of election concern.
Ayon kay PNP PIO Chief Pcol. Jean Fajardo, bagama’t hindi pa nila maibigay ang eksaktong bilang ay una na nilang inirekomenda sa poll body na masailalim sa areas of grave concern ang 246 na mga barangay sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Aniya, pagpupulungan pa ito ng Comelec bago ilabas ang pinal na listahan.
Kaugnay nito, tiniyak ng Pambansang Pulisya na patuloy ang ginagawa nilang pakikipag-ugnayan sa komisyon at iba pang law enforcement agencies para masiguro ang pagkakaroon ng maayos, malinis at mapayapang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.
Una nang sinabi ni PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., na tinitigan nila ang posibilidad na pagdadagdag ng mga tauhan na idedeploy sa mga lugar na nakapagtala ng mataas na krimen tulad ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.