
Binigyang kilala ng Philippine National Police (PNP) ang 109 nitong mga personnel na matagumpay na nakapasa sa 2025 Bar Examinations.
Ang nasabing examination ay isa sa mga pinakamahirap na exam sa bansa kung saan nasa kabuuang 5,594 ang nakapasa mula sa 11,420 na mga nagexam na nagresulta naman sa 48.98% national passing rate.
Ayon kay PNP Acting Chief Lt. Gen. Jose Melbcio Nartatez Jr., isa itong ipinagmamalaking pagkakataon dahil ito ay nagdedemand ng maraming taon ng sakripisyo , focus at determinasyon.
Dagdag pa nya, hindi lang basta abogado ang mga nakapasa kundi abogado ng bayan at tagapaglingkod ng batas.
Tiniyak naman ng PNP ang suporta nito sa pagpapatuloy ng edukasyon at professional development ng kanilang mga tauhan.
Facebook Comments










