Nagpaalala ang hanay ng kapulisan sa publiko ukol sa mga kawatan sa Kabila ng selebrasyon ng Sigay Festival.
Sinabi ni Deputy Chief PCAPT. Alexander Supsupin sa panayam ng IFM News Dagupan, bagamat wala pang naitatalang insidente ng pagnanakaw o kaguluhan sa gitna ng kapistahan sa bayan ay hindi rin dapat umano magpakampante ang publiko.
Nagtalaga na rin ang mga ito ng tatlong grupo ng kapulisan upang mahigpit na mabantayan ang mga matataong lugar maging sa mga isinasagawang aktibidad.
Samantala, Ilan pang aktibidad sa kapistahan ay ang Band Showdown, Den and Lyre Competition, Commemorative Program, Religious Procession, at Kalutan Ed Dalan dyad Baley na bahagi ng ika-435th Foundation Day and Anniversary Celebration.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments