Bubuo ang Philippine National Police (PNP) ng Special Investigation Task Group (SITG) para imbestigahan ang pamamaril kay Sulu Police Provincial Director Col. Michael Bayawan sa quarantine control point sa Jolo, Sulu, kahapon, August 6.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Ronaldo Olay, ang SITG ay bubuuin ng crime laboratory, Regional Investigation and Detection ng Bangsamoro Autonomous Region at Criminal Investigation and Detection Group.
Aniya, hindi pa sila makakapagbigay ng buong detalye hinggil sa pamamaril kay Bayawan dahil hinihintay pa nila ang report mula sa Sulu provincial police office.
Matatandaang nag-iinspeksyon noon si Bayawan sa quarantine control point ng barilin ng kapwa nitong pulis na si Sergeant Imran Jilah.
Agad naman na nakaganti ng putok ang security personnel ni Bawayan kung kaya napatay ang suspek na si Jilah.