
Inaprubahan na ng Senado ang iminungkahing budget ng Department of the Interior and Local Government (DILG), kung saan ₱225.8 bilyon ang ilalaan para sa Philippine National Police (PNP).
Dahil dito, nagpahayag ng pasasalamat ang PNP sa Senado para sa nasabing pag-aapruba, dahil higit na mapapalakas ng ahensya ang serbisyo at operasyon nito sa buong bansa.
Ayon kay Acting Chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr., patunay ito na tiwala ang mga pinuno at ang taumbayan sa mga ginagawa ng ahensya.
Ang nasabing pondo ay magpapatibay sa 230,000 na mga PNP personnel para mapahusay pa lalo ang pagseserbisyo sa bansa.
Nangako rin si Nartatez na patuloy na magsisikap ang PNP at mananatiling tapat, propesyonal, at may malasakit sa bawat serbisyong ibibigay sa taumbayan.









