PNP, bukas na mag-hire ng mga dating MILF rebels

Manila, Philippines – Bukas ang Philippine National Police (PNP) na tumanggap ng mga dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ito ay kapag naratipikahan ang Bangsamoro Basic Law (BOL) sa gaganaping plebisito sa January 21 at February 6.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – mapapabilis ng BOL ang commissioning process.


Aniya, maging ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay plano ring mag-hire ng mga dating MILF rebels.

Pero nilinaw din ng PNP na bukas din sila sa iba pang aplikante basta at kwalipikado o nakamit nila ang hinihinging requirements.

Facebook Comments