Maaaring magbigay ng impormasyon sa Philippine National Police (PNP) sa mga nakasama ng flight attendant na si Christine Dacera bago ito natagpuang patay sa isang hotel sa Makati City.
Ito ang pahayag ng PNP matapos palayain ng Makati City Prosecutors Office ang tatlong suspek na inilagay sa police custody.
Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Ildebrandi Usana, maaari pa ring sumadya sa pulisya ang iba pang mga suspek kung nais nilang malinis ang kanilang pangalan.
Hindi rin nila ikinokonsidera ang desisyon ng Makati Prosecutors Office bilang setback dahil hindi naman nabasura ang kaso.
Mababasura lamang ang kaso kung nakita ng prosecutor na walang ebidensyang nagpapatunay na pinatay at ginahasa si Dacera.
Facebook Comments