PNP, bukas sa ikakasang imbestigasyon ng CHR hinggil sa 2,000 kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng pulisya

Handang makipagtulungan ang Philippine National Police (PNP) sa Commission on Human Rights (CHR) hinggil sa isasagawa nilang imbestigasyon sa halos 2,000 kaso ng human rights violations na kinasasangkutan ng mga pulis.

Ayon kay PNP Spokesperson at PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, nirerespeto nila ang hakbang na ito ng CHR.

Pero nagtataka aniya siya kung saan galing ang datos ng ahensya.


Tiniyak nito na makikipagtulungan ang PNP sa CHR sa anumang kakailanganin nito sa imbestigasyon.

Samantala, iginiit pa ng opisyal na hindi kinokonsinte ng PNP ang anumang maling gawain ng mga pulis at tumutulong sila sa pagkakamit ng hustisya sakaling may karapatang pantao na nalalabag ang mga pulis.

Facebook Comments