Bukas ang Philippine National Police (PNP) sa anumang imbestigasyon kaugnay ng mga pahayag ni Lt. Col. Jovie Espenido sa House Quad committee kahapon.
Maaalalang sa kaniyang testimonya, idiniin niya ang sariling institusyon bilang ugat ng krimen dahil sa ipinatutupad na reward system sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Philippine National Police Public Information Officer (PIO) Chief Police Colonel Jean Fajardo, handa ang Pambansang Pulisya na tulungan si Espenido kung mayroon itong hawak na mga ebidensiya.
Pero sana, una muna itong idinulog sa kanilang hanay upang nabigyan sila ng pagkakataon na mabigyan-linaw ito.
Samantala, iginiit ni Col. Fajardo na hahabulin nila ang mga pulis na hindi gumagawa ng tama sa kanilang hanay at hindi kailanman kukunsentihin ang mga iligal na aktibidad.