PNP, bukas sa posibleng imbestigasyon ng Senado sa isinasagawang police operation laban kay Pastor Apollo Quibuloy

Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na harapin ang gagawing imbestigasyon ng Senado sa isinasagawang operasyon sa paghahain ng warrant of arrest kay Pastor Apollo Quibuloy.

Giit ni PNP Chief PGen. Rommel Marbil, wala silang tinatago at ginagawa lang nila ang kanilang trabaho.

Nabatid na maliban sa paghahain ng warrant of arrest kay Pastor Apollo Quibuloy at apat na iba pang akusado sa KOJC compound, target din ng PNP na malaman kung may iba pang posibleng paglabag sa batas ang KOJC.


Facebook Comments