PNP, bumili ng 13,000 basic assault rifles sa bansang Israel

Pinirmahan na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas nitong December 2020 ang government to government procurement para sa 13,000 basic assault rifles.

Ang mga baril ay binili ng PNP sa bansang Israel na bahagi ng pagpapalakas ng kanilang fighting capability para sa kanilang mga law enforcement operation.

Ayon kay PNP Directorate for Logistics Director Major General Angelito Casimiro, mahigit P1.1 billion na pondo ang inilaan ng PNP para sa procurement ng mga armas na kinabilangan ng 9mm striker fired pistol, 5.56mm basic assault rifle, cal. 50 heavy machinegun at 7.62mm light machine gun.


Aniya, nakipag-ugnayan na sila sa supplier at sinabing nakatakda ang first pre-delivery inspection at ang unang tranche ay ide-deliver sa buwan ng Disyembre at sa taong 2022 ang complete deliveries ng mga armas.

Hinihintay na lamang din ng PNP ang delivery dates ng supplier para naman duon sa 12,000 at 4000 IWI rifles.

Facebook Comments