PNP, bumili ng 50 mga bagong sasakyan

48
PNP PHOTO

May 50 mga bagong light transport vehicles ang Philippine National Police (PNP) na pinasinayaan kaninang umaga sa Camp Crame sa Quezon City.

Ang mga biniling bagong sasakyan ay nagkakahalaga ng ₱64.55 milyon.

Ito ay gagamitin ng PNP para sa administrative purposes at malaking tulong sa patuloy na pagsulong ng PNP modernization program.

Bukod kay PNP Chief Archie Gamboa, dumalo rin sa blessing at turnover ceremony ang mga miyembro ng PNP Command Group, Acting Director for Logistics Brig. Gen. Angelito Casimiro at mga miyembro ng Procuring Entity.

Facebook Comments