PNP, bumili ng mga bagong sasakyan

Iprinisenta ni Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge Police Lt. General Vicente Danao Jr., sa media ang mga bagong sasakyan ng PNP kahapon na bahagi ng kanilang logistical enhancement program.

Ayon kay Lt Gen. Danao ang walong 4×4 personnel carrier at 3 light transport vehicle ay nabili sa pamamagitan ng 35 milyong pisong dagdag na alokasyon sa kanilang 2021 budget.

Ayon kay Police Major General Ronaldo E Olay, Director for Logistics at Chairman, NHQ Bids and Awards Committee (BAC), ang walong personnel carriers ay ibibigay sa walong municipal police stations ng Aurora Province.


Partikular sa Baler, Dingalan, Casiguran, Dipaculao, Dilasag, Maria Aurora, Dinalungan at San Luis.

Habang ang tatlong light transport vehicles ay para naman sa Philippine National Police Academy (PNPA) at PNP National Training Institute (PNTI).

Facebook Comments