Bumuo na rin ang Philipine National Police (PNP) ng Board of Inquiry na mag-iimbestiga sa pag-atake sa Datu Piang.
Ayon kay PNP Chief Police General Debold Sinas, pangungunahan ni Police Major General Marni Marcos ang BOI kasama ang 5 iba pang heneral.
Magiging trabaho ng binuo ng BOI ay alamin ang buong nangyari sa pag atake, matukoy ang admin at operational lapses at pagkukulang sa intelligence, naging tugon ng mga pulis sa harassment at ano ang mga best practices at commendable actions na ginawa ng mga pulis.
Una nang bumuo ang PNP ng Special Investigation Task Group kung saan kabilang ang PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at iba pang investigators.
Sinabi pa ni Sinas, ang Bungos group na paksyon ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang umatake sa Datu Piang na pinamunuan ni Ustadz Esmail Abubakar.
Matatandaang sa pag-atake, sinunog ng mga BIFF ang isang sasakyan ng PNP na tinarget din ang Chief of Police ng Datu Piang.
May dalawang motibo ang tinitignan sa krimen, kasama dito ang pulitika at paghihiganti sa napatay na BIFF member na si Abu Suffian sa police operation.
Sa ngayon patuloy ang pangangalap ng ebidensya ng mga pulis laban sa grupo.