Cabagan, Isabela- Nakaalerto na ngayon ang panig ng PNP Cabagan upang magbantay ngayong nalalapit na pagdiriwang ng kapaskuhan at bagong taon.
Sa panayam ng RMN Cauayan sa hepe ng PNP Cabagan na si PCI Noel Magbitang, ay tiniyak nito ng kahandaan ng kapulisan upang tumulong sa pangangasiwa ng kapayapaan at kaligtasan sa mga nalalapit na okasyon.
Aniya, patuloy din umano nilang binibisita ang bawat barangay sa kanilang bayan upang makipag ugnayan sa mga opisyal ng barangay kaugnay sa kanilang kooperasyon upang paalalahanan ang mga residente.
Samantala, sa nalalapit na pagsalubong ng bagong taon ay nakikipag ugnayan na umano ang tanggapan ng PNP Cabagan sa Lokal na Pamahalaan ng Cabagan kaugnay sa paglalagay ng isang lokasyon lamang para sa mga magpapaputok.
Sa ngayon ay nakaaleto at nakahanda naman ang PNP Cabagan upang tumulong sa pag iinspeksyon ng mga establishimentong nakatakdang magbenta ng paputok.
Paalala pa ng hepe ang ibayong pag iingat at hanggat maaari ay umiwas na lamang umano sa pagpapaputok upang makaiwas sa mga aberya at aksidente.