PNP Cauayan City, Kinilala Bilang Outstanding City Police Station

23

Cauayan City, Isabela- Personal na Tinanggap ni PLTCOL GERALD P GAMBOA, COP Cauayan City Police Station ang karampatang pagkilala bilang Outstanding City Police Station ng taon para sa Police Community Relations na ginanap sa Isabela Police Provincial Office sa Lungsod ng Ilagan.


Kasama din sa tumanggap ng pagkilala si PCPT ESEM A GALIZA para sa parangal bilang Outstanding Junior PCO sa Police Community Relations.

Pinarangalan din si PEMS Rosalyn Gretel G Mallillin bilang Outstanding Senior PNCO ng taon.

Ang pagpaparangal sa mga katangi-tanging Police Station at Police officers sa Lalawigan ng Isabela ay kasabay ng ika-dalawamput limang anibersaryo ng PCR na may temang: ” Pinaigting na Ugnayan Ng Mamamayan at Pulisya Laban Sa Covid-19 Pandemya”.

Facebook Comments