PNP Cauayan City, Lalong Naghigpit sa Pagbabantay sa mga Checkpoints!

118

Cauayan City, Isabela- Mas pinag-ibayo pa ang ginagawang pagbabantay sa lahat ng papasok at palabas sa Lungsod ng Cauayan kaugnay ng ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine.

Pinangungunahan ito ni Police Col. Gerald Gamboa bilang hepe ng pulisya katuwang ang police trainees at iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.


Dito ay iniisa-isang pinapahinto ang lahat ng mga sasakyan upang hingan ng ID ang mga nakasakay.

Tinatanong ang mga ito kung saan pupunta at kung ano ang pakay at pinapabalik kung hindi importante ang lakad.

Pinapababa din ang mga angkas ng mga motorsiklo maging ang mga sobrang sakay ng mga private vehicles.

Binigyang diin rin ni Police Col. Gamboa ang dekalidad ng mga travel pass at kung ano ang sakop ng mga ito.

Dagdag pa ng hepe na exempted sa travel pass ang mga itinuturing na front liners tulad ng media practitioners, mga nagdadala ng pagkain at mga empleyado ng gobyernong kailangan sa mga ganitong pagkakataon.




Facebook Comments