PNP CAUAYAN NAGSAGAWA NG INFO DRIVE KONTRA BUDOL-BUDOL SCHEME

Cauayan City — Nagpaalala ang Cauayan Component City Police Station sa publiko na maging mas alerto at aware sa iba’t ibang budol-budol scheme ngayong papalapit ang holiday season, kung kailan mas nagiging aktibo ang mga manlilinlang.

Pinangunahan ni PSSg Julius P. Arubio, ang dialogue at pamamahagi ng IEC materials sa mga residente upang ipaliwanag ang pinakakaraniwang modus, na kadalasang ginagamit upang makapambiktima lalo na sa mga abalang mamimili.

Binigyang-diin ng PNP Cauayan ang kahalagahan ng pag-iingat, pag-verify ng impormasyon, at hindi pagbibigay ng personal na detalye tulad ng OTP codes at account numbers.

Hinikayat din ang publiko na agad mag-report sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya sakaling may kahina-hinalang insidente.

Facebook Comments