PNP Chief Acorda, binigyang direktiba ang mga field commanders na higpitan ang screening process sa mga pulis na maitatalaga sa drug enforcement group

Mas hinigpitan pa ng Philippine National Police (PNP) ang vetting process sa mga pulis na itinatalaga sa mga Drug Enforcement Group at Drug Enforcement Unit (DEU).

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, may direktiba na naibinaba sa mga field commanders na higpitan ang kanilang pagsala sa mga pulis na ipupwesto sa PDEG at DEU.

Ani Fajardo, bubusisiing maigi ang records ng mga pulis kung saan may dokumentong pipirmahan ang mga field commander na nagpaptunay na nagsagawa sila ng mahigpit na background check sa mga ito.


Sa oras na magloko ang ipinwestong pulis ay mahaharap sa serious neglect of duty ang field commander gayundin ang kanilang station commander, provincial director at regional director.

Ang hakbang ng PNP ay kasunod ng pagkakasabat ng 990 kilos na shabu sa Maynila noong nakaraang taon na nagresulta sa pagkakaaresto ni Police Master Sgt. Rodolfo Mayo Jr., na intel officer ng PDEG.

Facebook Comments