Mananatili muna sa kani-kanilang mga pwesto ang mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) kabilang na ang mga miymebro ng command group.
Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., hindi pa niya iniisip ang pag-revamp sa mga opisyal ng PNP.
Aniya, kung magkaroon man ng rigodon sa pwesto ng mga opisyal, ito ay alinsunod sa mga umiiral na patakaran at polisiya ng PNP.
Binigyang diin ni Acorda na katulad ng kanyang inihayag sa kanyang assumption speech, ang promosyon at assignment ng mga opisyal ay ibabase sa kanilang merito, kakayahan at moral ascendancy.
Facebook Comments