PNP Chief Acorda, iiwanang legasiya ang mataas na tiwala at kumpiyansa ng publiko sa Pambansang Pulisya

Kumpiyansa si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., na iiwanan niyang maayos ang Pambansang Pulisya.

Aniya ang mataas na trust ratings ng PNP mula sa publiko ang isa sa kanyang iiwanang legasiya.

Sa kanyang testimonial parade sa Baguio City nitong weekend, nagpasalamat si Acorda sa Philippine Military Academy (PMA) na humubog sa kanya ng 37 taon bilang miyembro ng unipormadong hanay.


Nagpasalamat din siya sa lahat ng kanyang mga nakasama sa trabaho at binilinan ang mga pulis na panatilihin ang kumpyansa sa kanila ng taumbayan.

Si Acorda ay magreretiro sa serbisyo sa darating na December 3 bilang ika-29 na pinuno ng Pambansang Pulisya.

Facebook Comments