Itinuturing ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., na nasa guhit ng tadhana ang pagiging pinuno ng Pambansang Pulisya.
Ayon kay Acorda, noong una ay hindi sya makapaniwala na siya ang pipiliin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang ika-29 na PNP Chief.
Si Acorda ay nakatakdang mag-retiro sa December 3 kung saan mayroon na syang inirekumenda sa punong ehekutibo na papalit sa kanya.
Maliban sa PNP Command Group na kinabibilangan nila Deputy Chief for Administration PLtGen. Rhodel Sermonia, Deputy Chief for Operations PLt. Gen. Michael John Dubria at Chief of the Directorial Staff PLtGen. Emmanuel Peralta ay matunog ding kandidato sa pagka-PNP Chief sina CIDG Director, PMGen. Romeo Caramat Jr, NCRPO Director PBGen. Jose Melencio Nartatez at PNP Director for Comptrollership, PBGen. Rommel Francisco Marbil.
Samantala, sinabi ni Acorda na sa unang araw ng kanyang pagiging “Citizen Acorda” ay babawi sya sa kanyang pamilya bagama’t hindi pa rin nito isinasara ang pintuan na tanggapin ang anumang posisyong i-aalok sa kanya sa gobyerno.