PNP Chief Acorda, “no comment” muna sa naging pahayag ng isa sa mga suspek sa Degamo slay case na tinorture umano siya para umamin sa krimen

Tumanggi munang magbigay ng komento si Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., hinggil sa naging pahayag ng isa sa mga suspek sa Degamo slay case na pinahirapan umano siya ng mga pulis para umamin sa krimen.

Ito’y kasunod ng isiniwalat ng isa sa mga suspek na si Osmundo Rivero, kung saan maliban sa torture ay pinagbantaan pa umano siya ng mga pulis na umaresto sa kanya at idadamay ang pamilya kung hindi aakuin ang kanyang partisipasyon sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Ayon kay Acorda, no comment muna siya hangga’t hindi pa niya hawak ang kopya ng salaysay ni Rivero.


Ani Acorda, ayaw niyang pangunahan ang itinatakbo ng imbestigasyon at mas mabuting hintayin muna ang resulta nito bago siya magbigay ng anumang pahayag hinggil dito.

Facebook Comments