Tiniyak ni bagong Philippine National Police (PNP) Chief Major General Benjamin Acorda Jr., hindi niya kukunsintihin ang mga tiwaling pulis kasama ang mga sangkot sa cover up sa 990 kilos ng shabu, nasabat noong nakaraang taon sa tondo na nagkakahalaga ng mahigit P6.7 billion.
Sinabi ito ni Gen. Acorda sa kanyang pagharap sa pagdinig ng committee on Dangerous Drugs, pinamumunuan ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers.
Binigyang diin naman ni Congressman Barbers, kanilang hihimayin ng husto sa pagdinig ang insidente upang lumabas ang katotohanan at mapanagot ang mga tunay na sangkot sa umano’y tangkang drug recycling na nagtuturo sa mga tauhan at opsiyal ng PNP drug enforcement group.
Yan ang mga pahayag nina PNP chief major general Benjamin Acorda Jr. at committee chairman congressman Robert Ace Barbers.