PNP Chief, aminadong pumalya ang intelligence sa Marawi incident

Manila, Philippines – Aminado si PNP Chief Ronald Dela Rosa na pumalya ang kanilang intelligence gathering kaugnay sa pag-atake ng Maute Group sa Marawi City.

Pero paglilinaw ng PNP Chief – tanging sa eksaktong oras at araw lamang ng pag atake ang hindi nila natunugan.

Kung nalaman lang ito ng intelligence community – hindi na sana siya sumama sa byahe ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia.


Nagpaliwanag naman si Dela Rosa kung bakit naging ‘missing in action’ siya matapos ang Resorts World attack noong June 2.

Aniya – may ginawa lamang siyang ‘special operation’ patungkol sa terorismo sa Marawi.

Mula june 2, kahapon lamang nagpakita ang PNP Chief sa mga media matapos dumalo sa ‘PNP Mission: Slim Possible’ kung saan naglalayong magbawas ng timbang ang mga matatabang pulis.

DZXL558

Facebook Comments