PNP Chief Archie Francisco Gamboa, nakalabas na sa ospital matapos magtamo ng sugat ng bumagsak ang sinakyang chopper sa Laguna

Nakalabas na sa St. Luke’s Medical Center si Philippine National Police o PNP Chief General Archie Francisco Gamboa matapos na magtamo ng sugat sa pagbagsak ng kanilang sinasakyang chopper sa San Pedro, Laguna.

Ayon kay Acting Spokesperson Major General Benigno Durana, didiretso ang PNP Chief sa White House sa Camp Crame at babantayan ng mga taga-PNP health service.

Bukod kay PNP Chief lalabas din ngayong araw ang aide de camp nitong si Police Captain Keventh Gayramara.


Bukas naman ay lalabas sa St. Luke’s Medical Center si PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac na nagtamo rin ng sugat sa ilang parte ng kanyang katawan.

Habang ang mga pilotong sina Police Lieutenant Colonel Ruel Zalatar, Police Lieutenant Colonel Rico Macawili at chopper technician na si Police Staff Master Sergeant Louie Cestona ay wala pang skedyul kung kailan makakalabas ng ospital dahil patuloy pa silang ginagamot.

Facebook Comments