PNP Chief Archie Gamboa, kumbinsidong aksidente ang pagbagsak ng sinakyan niyang helicopter sa Laguna

Kumbinsido si Philippine National Police Chief Archie Gamboa na aksidente ang pagbagsak ng helicopter na kanyang sinasakyan sa Laguna.

Sa kaniyang briefing sa Camp Crame – sinabi ni Gamboa, na naniniwala siyang walang nangyaring sabotahe sa nangyaring insidente.

Aniya, inatasan na niya ang special investigation task group na kunin ang statements ng mga pasahero at witness ng pagbagsak ng helicopter.


Kasama rin aniya sa iniimbestigahan ng task force ang lahat ng debris ng helicopter.

Nilinaw din ni Gamboa, dumaan sa regular bidding ang chopper nang bilhin ng PNP sa Canada noong 2018.

Kasabay nito, tiniyak ni Gamboa na under close monitoring ang dalawang general ng PNP na nananatili sa under intensive care matapos malubhang masugatan sa insidente.

Facebook Comments