PNP Chief Archie Gamboa, nagpapaalam na sa hanay ng Philippine National Police

Ilang araw bago ang kaniyang pagreretiro sa serbisyo, nagsimula nang magpaalam si PNP Chief General Archie Gamboa sa hanay ng Philippine National Police.

Kahapon sa isinagawang blessing at inauguration ng Museo ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa Camp Crame, nagpaalam na si PNP Chief Gamboa.

Kinumpirma rin ni PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac ang ginawang pagpapaalam ni PNP Chief Gamboa sa PNP.


Sinabi ni Banac, ginagawa ito ng PNP Chief dahil sa nalalapit nitong pagreretiro.

Ito ay sa kabila ng mga balitang posibleng ma-extend siya sa pwesto.

Sa statement ni Gamboa sa kaniyang official Facebook page, sinasabi nitong isa ang PNP Museum sa mga legacy na maiiwan niya, dahil dito makikita ang mabubuting kultura ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas.

Sa PNP Museum aniya maaalala ang mga kabayanihan ng mga pulis na tumatak sa kasaysayan.

Si PNP Chief Gamboa ay magreretiro sa September 2, 2020. Siya ay miyembro ng PMA Sinagtala Class of 1986 na mistah nina dating PNP chief Oscar Albayalde at ngayo’y senator Ronald “Bato” dela Rosa.

Facebook Comments