PNP Chief Archie Gamboa, tiniyak na haharapin ang kaso ng Ombudsman kaugnay sa pagkamatay ni ex-Congressman Glenn Chong

541

Nirerespeto ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa ang karapatan ng biyuda in Richard Santillan na si Jeannette Santillan at former Congressman Glenn Chong, na maghain ng reklamo sa Ombudsman laban sa kanya bilang dating PNP Deputy Chief for Administration.

Si Gamboa ay inakusahan ng dalawa ng pagtatago ng ebidensya sa imbestigasyon sa pagkamatay ni Santillan, na aide ni Ex-congressman Chong sa umano’y shootout sa mga pulis sa Cainta noong taong 2018.


Sinabi ni Gamboa na ang asunto ay bahagi lang ng kanyang trabaho.

Aniya bilang isa ring abogado, kinikilala niya ang “supremacy” ng korte at handa siyang sumailalim sa judicial process.

Dagdag pa nito tiwala siya na lalabas ang buong katotohanan at malilinis ang kanyang pangalan.

Facebook Comments