PNP Chief Archie Gamboa, umapela sa mga pulis na tiyagain ang pagbabantay sa mga quarantine control points

Pakiusap ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa sa mga pulis na nagmamando sa mga checkpoint na konting tiis lang sa kanilang mga field assignment.

Ang apela ay ginawa ni Gamboa matapos inspeksyunin ang ilang Quarantine Control Points (QCP) sa Metro Manila ngayong araw, kabilang ang Camachile NLEX Quarantine Control Point at Malanday QCP sa Valenzuela, at Sampaloc QCP.

Ayon Kay Gamboa nag-ikot siya para personal niyang makita ang situasyon ng mga pulis sa pagpapatupad ng mas-striktong ECQ.


Inamin ni Gamboa na sadyang napakahirap ng nakatalaga sa checkpoint na Bukod sa init ay na-eexpose din sa possibleng pagkahawa ng sakit ang mga pulis.

Sinabi ni Gamboa na tao din naman ang mga pulis na nakakaranas ng pagod at gutom, pero trabaho aniya nila na mandohan ang mga checkpoint ng 24/7 kaya “just hold on” ya ang bilin ni Gamboa sa mga pulis.

Sinabi ni Gamboa na may naka-stand-by na 2000 pulis na reserve force na handang humalili sa mga nagmamando sa checkpoint para makapagpahinga din ng “shifting” ang mga nasa frontline.

Pakiusap pa rin ng PNP Chief sa publiko na sumunod nalang sa awtoridad para maiwasan ang anumang problema ngayong umiiral pa rin ang ECQ.

Facebook Comments