PNP chief at NCRPO Dir. Eleazar dumalo sa midnight mass bago sinimulan ang prusisyon

Manila, Philippines – Dumalo si PNP Chief PDG Oscar Albayalde at NCRPO Director Guillermo Eleazar sa midnight mass sa Quirino Grandstand kaninang hatinggabi.

Ito ay bago ang pagsisimula ng 6 na kilometrong prusisyon ng Itim na Nazareno mula Quirino Grandstand patungong Quiapo Church kaninang alas kwatro ng umaga.

Si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang nanguna sa pagsasagawa ng misa na dinagsa ng mga deboto na nakilahok sa tradisyunal na pahalik sa Itim na Nazareno.


Una nang sinabi ni PNP Chief na umaasa siya na magiging mapayapa at maayos ang Traslacion sa taong ito, kung saan “zero casualties” ang target ng PNP.

Siniguro naman ni NCRPO Director Guillermo Eleazar na handa na ang 7,200 pulis na ide-deploy ng PNP para matiyak ang kaligtasan ng inaasahang 2.1 milyong deboto na lalahok sa taunang prusisyon.

Facebook Comments