Nagpahayag nang pagdududa si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., sa pagkamatay ni Jun Globa Villamor ang sinasabing middleman sa pagpaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid.
Ayon kay Gen. Azurin, tila kwestyunable ang biglaang pagkamatay nito.
Sinabi rin nitong maaaring mayroong foul play sa pagkasawi ni Villamor dahil ito ay namatay isang araw makaraang sumuko sa mga awtoridad ang gunman na si Joel Escorial.
Matatandaang una nang kinuwestyon ng kilalang forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun ang autopsy report ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga labi ni Villamor dahil sa kawalan ng malinaw na timeline kung kailan isinagawa ang nasabing otopsiya at agad itong isinailalim sa embalsamo.
Bagama’t may pagdududa si PNP chief, sinabi nitong kung nais muling isailalim sa otopsiya ng pamilya Mabasa ang mga labi ni Percy Lapid ay maaari silang makipag-ugnayan sa BuCor o sa Department of Justice (DOJ).
Kasunod nito, tiwala ang PNP na solido parin ang kaso laban sa mga nasa likod sa pamamaslang kay Lapid ito’y kahit na namatay na ang isa sa mga itinuturong middleman sa kaso.