PNP Chief Azurin, inabswelto ni PBBM mula sa illegal drug trade

Abswelto na mula sa kalakaran ng ilegal na droga si Philippine National Police Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr.

Ayon kay Azurin mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nag-abswelto sa kanya mula sa umano’y illegal drug trade sa hanay ng PNP.

Pagbibigay diin nito, hindi siya magiging bahagi ng advisory group kung hindi cleared ang kanyang records.


Maliban kay Azurin, bahagi ng advisory group sina Baguio City Mayor Benjamin Magalong, former Defense chief Gilbert Teodoro, Undersecretary Isagani Neres mula sa Office of the Presidential Adviser on Military Affairs at dating Court of Appeals Associate Justice Melchor Quirino Cabarugi Sadang.

Aniya, sila ang sasala sa courtesy resignations na inihain ng mga 3rd level officials ng PNP bago ito beripikahin ng National Police Commission (NAPOLCOM) at isumite kay Pangulong Marcos para sa kanyang final approval.

Nitong Lunes, nagpulong na ang advisory group kung saan bumalangkas sila ng guidelines kung paano tatakbo ang vetting process.

Target ng grupo na matapos ang screening nang hanggang 3 bwan.

Facebook Comments