PNP Chief Azurin, inatasan ang lahat ng field commanders na makipag-ugnayan sa mga school official kasunod ng magkakasunod na bomb threat na natanggap ng ilang eskwelahan

Binigyang direktiba ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang lahat ng unit commanders na makipag-ugnayan sa mga school official sa kanilang nasasakupan kasunod ng magkakasunod na bomb threat na bumulabog sa ilang paaralan sa Metro Manila at ang aksidenteng pagkakabaril ng isang 12 anyos na bata sa kanyang sarili sa loob mismo ng paaralan.

Ayon kay Azurin, pinatututukan niya sa mga field commander ang mga security concern ng mga paaralan sa kanilang area of responsibility para makatulong ang PNP.

Ani Azurin, magdadagdag sila ng pwersa kung kinakailangan para mai-augment ang mga itinalagang police assistance desk na nakaposte sa mga entrada ng malalaking paaralan sa bansa.


Nakadepende na aniya ang bilang ng mga ide-deploy na pulis sa kanilang unit commander lalo na kung may malalaking event sa paaralan.

Nakahanda rin aniya ang PNP na magdagdag pa ng anti-crime programs upang maging ligtas ang mga estudyante sa paaralan.

Facebook Comments