Pinaghahanda ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang lahat ng mga police units sa bansa ng reserbang pwersa.
Ayon kay Azurin, layon ng reserved forces sa hanay ng Pambansang Pulisya na agad makaresponde kung kinakailangan lalo na ngayong holiday season.
Dagdag pa ng PNP chief na tutulong din ang mga ito na labanan ang mga krimen na nagsisulputan ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Maliban dito, mayroon din silang itatalagang police assistance desk, checkpoint, mobile, foot patrol at pagtataas ng police visibility.
Una nang sinabi ng PNP na nasa 85% o katumbas ng 192,000 mga pulis ang ipakakalat ng PNP ngayong holiday season.
Ide-deploy ang mga ito sa mga pampubliko at matataong lugar tulad ng mall, parke, tiyangge, paliparan, pantalan at mga bus terminal.