Nakipagpulong si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., kay International Criminal Police Organization (INTERPOL) Secretary General Jürgen Stock sa sidelines ng ika-24 na Interpol Asian Regional Conference sa Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE).
Sa pag-uusap ng dalawang opisyal, tiniyak ni Azurin ang buong suporta ng PNP sa mga inisyatibo ng Interpol laban sa international crimes.
Natalakay rin ang paggamit ng biometrics sa pag-screen ng mga dayuhang bibisita sa Pilipinas bilang karagdagang proteksyon sa pambansang seguridad.
Layon aniya nitong masiguro na ligtas ang Pilipinas sa mga turista at kanyang mamamayan.
Ibinahagi rin ni Azurin sa Interpol secretary general na patuloy na pinapalakas ng PNP ang kapabilidad ng mga Anti-Cybercrime Units bilang pangontra sa cybercrime at human trafficking.