PNP Chief Bato Dela Rosa, pinalagan ang inilabas na report ng Reuters kaugnay sa war on drugs ng pamahalaan

140

Manila, Philippines – Hinahanapan talaga kami ng butas.

Ito ang reaksyon ni PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa inilabas na report ng reuters kaugnay sa pinaigting na kampanya kontra droga ng Duterte administration.

Batay kasi sa report ng Reuters – lumalabas na 97 porsyento ng mga kaso na dinala nang hospital ay patay na.


Paliwanag ni Dela Rosa – sa mga ikinakasa nilang operasyon, Standard Operating Procedure o SOP nilang dalhin sa hospital ang mga nababaril o nasusugatang indibidwal.

Aniya – kailangan nila itong gawin dahil kapag hindi, sila naman ang babalikan ng pamilya ng mga sangkot na indibidwal.

Minsan ayon sa PNP Chief hindi na rin nila alam kung saan sila lalagay dahil kaliwa’t kanang kritisismo at pagtuligsa sa kanilang war on drugs.



Facebook Comments