PNP Chief Benjamin Acorda, dismayado sa mga insidenteng kinasangkutan ng mga pulis

Dismayado ang liderato ng Philippine National Police (PNP) sa mga insidente na kinasangkutan ng kanilang mga tauhan na nagdulot ng negatibong impresyon sa organisasyon.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PBGen. Red Maranan, ipinag-utos na ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa mga insidente.

Partikular na aniya ang pamamaril ng isang pulis sa loob ng Taguig City Police Station, ang pagkakapatay ng mga pulis sa isang binatilyo sa Navotas, at ang kwestyunableng drug operations sa Cavite.


Ayon kay Maranan, tinitiyak ng PNP na hindi nila kukunsintehin kung nagkamali ang kanilang mga tauhan.

Gumagawa na aniya ng paraan ang Pambansang Pulisya upang maitama ang pagkakamali o kapag hindi nasusunod ang police operational procedures.

Kasunod nito, umaasa si Maranan na magsisilbing eye opener sa mga pulis ang kaliwa’t kanang insidente upang mahigpit nilang sundin ang inilatag na mga protocol.

Facebook Comments